About Me

Subscribe now!Feeds RSS

Messages

Jul 3, 2009

Parang hirap ako ngayon, pero mapagcha-chagaan

Good day to everyone. Naka-third week na ako sa school at parang hirap ako sa OS. Speaking of OS, tungkol siya sa CPU Scheduling / Algorithm. Maigi na lang at approachable prof ko doon pero sa totoo lang naguguluhan ako sa turo niya. Noong una, naiintindihan ko kasi wala pang idle time kapag sinasagutan yung Gantt Chart sa FCFS. Sabi ng prof ko, isa sa madaling scheduling ang FCFS. OO, naniniwala naman akong madali kapag hindi laktaw-laktaw ang arrival time niya pero kung laktaw at kapag hindi nag-match ang RQ at sa dulo ng gantt chart e mali na ang computation sa AveTT at AveWT. Pero sa tingin ko, kakayanin ko to kasi nagpa-photocopy ako ng module ng prof ko sa OS.


------------------------------------------------------
------------------------------------------------------

Pinopost ko itong article na ito ngayong sabado, sa tabi ng SV sa Adamson. Inaantay ko lang ang oras bago magsimula ang meeting namin kay Ma'am Vergara about ELITE. To be honest guys, hindi ako sumali sa ELITE dahil sa may alam ako sa Photoshop, kaya ako sumali para mas matuto pa ako sa Photoshop kasi ginagamit ko kasi ay ang Adobe Fireworks lalo na kapag gumagawa ako ng web template, at 'wag nyo na rin tanungin kung original ang kopya ng Fireworks ko... walang perpekto! Hehehe!

------------------------------------------------------
------------------------------------------------------

Balita ko, sa August na raw ang general assembly. At dahil sa hindi ako naka-attend last year ng General Assembly, a-attend na ako kasi yung pag-uusapan namin mamaya sa ELITE ay para sa pagpa-plano ata sa GA. Although tinatamad akong umatend, kailangan kasi may sinalihan na akong organization at isa sa involvements ng org ay maki-halubilo ka sa ka-course mo diba? Sounds fun and exciting! Hehehehe!

At malapit na nga pala ang prelim, malaki ang epekto ng pag-suspend ng klase sa Adamson dahil sa Swine flu virus. Gaya galingan natin sa pagre-review and good luck sa ating lahat.

To all, take care and God bless.

3 comments:

  1. pag eto nabasa ng prof mo yari ka! hehe

    ReplyDelete
  2. ok lang, di naman ganoong strict mga prof ko ngayon e

    ReplyDelete
  3. After read blog topic's related post now I feel my research is almost completed. happy to see that.Thanks to share this brilliant matter.
    accounting thesis

    ReplyDelete