About Me

Subscribe now!Feeds RSS

Messages

Jun 30, 2009

first sem inception

Finally, after a long time nakapag-post din ako. Nakilala ko na din yung ibang mga professors ko both major and minor subjects, pero papalapit na ang Prelim Exams at kokonti pa lang nadidiscuss sa amin.

I think, I'm lucky with all of my subjects for this semester lalo na sa mga major subjects ko. Even in Physics na dapat e krinedit na lang sana ng IT department yung dati kong Physics sa ECE ko dati, sayang.

Bago yung professor ko sa Operating System. Sabi niya sa amin noong nagla-laboratory kami e swerte daw kami sa kanya kasi sa lahat ng professors daw na nagha-handle ng OS Lec and Lab e maituturo niya sa amin ng maayos yung binigay niya sa amin about CPU Algorithms.





Sa Object Oriented Programming naman, kilala ko yung prof ko doon. Ok naman, ewan ko lang, tignan na lang natin kung papasa ako sa kanya! Challenging yung subject na ito dahil JAVA yung subject matter niya. Although ayaw ko man i-aral ito dahil I am not focusing on Programming e sige, baka matutunan kong mahalin itong subject na ito.

Sa ADBMS, ito yung inaasahan ko nang aftermath ng DBMS namin, Medyo hindi kasi precise yung turo sa amin dati sa DBMS kaya kanina noong nag-lab kami e karamihan ay hindi ko alam dahil sa ibang sinasabi sa amin ng prof namin ngayon sa ADBMS ay hindi namin na-encounter sa DBMS (yung iba lang ha.) Kaya ang gagawin ko, during freetime ay i-aaral ko yung lecture namin sa DBMS dati para ma-refresh ako sa subject ko ngayon sa ADBMS.

To be Continue

No comments:

Post a Comment