About Me

Subscribe now!Feeds RSS

Messages

Apr 15, 2009

Tutorial - Forum Sites and E-book

May mga instances na hindi mo maintindihan ang lecture ng professor mo sa mga major subjects. For example, ang course mo ay IT at Computer Science kung saan programming and scripting ang mga subjects sa course na ito. Nagiging complicated ang subject kapag wala kang natututunan dahil sa nalilito ka sa subject o sa nag-tuturo.

Ako naman, dalawang paraan lang ang ginagawa ko para hindi ako bumagsak at the same time e maunawaan ko't maintindihan ko ang mga nilelecture sa'min ng prof namin sa major:

1. Mag-tanong. One of the most powerful key for the learners is to observe and to ask. Mas malinaw ang isang lecture ng isang professor kung may nagtatanong. Katulad kong slow learner, hindi ko hinaayaan ang isang lecture na matapos hangga't hindi ko maintindihan. Swerte nga ako nitong mga nagdaang mga First and Second Semester (2008-2009) kasi karamihan naman sa mga naging prof ko ay approachable at mahahaba ang pasensya which is dapat ganoon sila.

2. Be Resourceful. Kung hindi mo nga naman talaga maintindihan ang isang certain topic o lesson sa lecture nyo, why you don't try to ask to others? Like me, member ako ng convergence forums. Natatanong ko sa kanila ang mga bagay na hindi ko naiintindihan about topics in IT. At nasasagot naman nila ito kasi nga ang concept ng convergence forums is to share thoughts, minds and knowledge by simply answering questions. At siyempre, hindi naman ako madamot, kapag may nag-start nang mag-tanong sa isang thread depende sa topic na nalalaman ko naman ang sagot, e sinasagot ko naman ito. At sa forum site, nabui-build up jan ang isang social community ng mga learners at mga masters sa IT.

Pero siyempre, wag mong asahan na masasagot din agad nila yung gusto mong malaman. Instead, try to use Search Engine and type the keywords of the topics you wish to know. Sa t0p ten results, naibibigay sa 'yo ng Search Engine ang recommended site para sa topic na hinahanap mo para pag-aralan mo.

Isa pa, kung mahilig kang mag-basa, maganda rin siguro na puntahan mo ang mga tutorial sites at mga free e-book downloads. Kasi detalyado ang mga tinuturo doon. Or else, sa youtube pwede mo din i-search ang mga topics na gusto mo ding malaman.

No comments:

Post a Comment