About Me

Subscribe now!Feeds RSS

Messages

Oct 11, 2008

Ano ang SEO?

Guys, lalo na sa mga ka-klase ko dati sa webpage composition and development sa AdU, para sa inyo itong topic na ito.

Alam ninyo at alam ko din na hindi ganoong kadali mag-initiate ng website. At lalo na ang mag-initiate ng niche sa isang website at blogsite na kagaya ng nababasa nyo ngayon. Bago ko sinimulan itong blogsite kong ito, marami akong bagay na inisip.

So atin na pong simulan ang SEO. By the way, what SEO stands for...?

SEO stands for Search Engine Optimization. Para saan naman ito? Well, alamin natin.

Na-isip nyo po ba, meron na kayong website na naka-host na sa isang web hosting, pero kapag ti-nype nyo po ito sa any search engines like Google or Yahoo e hirap ninyong makita?

At dito po pumapasok ang salitang SEO. Ang konsepto po kasi ng SEO ay upang pasikatin ang ginawa ninyong website sa tatlong major Search Engines na siguradong nasa Homepage ninyo: ang Google, ang Yahoo at ang MSN.

Bakit kailangan ng isang website ang SEO?

Kinakailangan po talaga ng isang website ang Search Engine Optimization. Marami sa mga kumpanya ay may kanya-kanyang website, karamihan ay corporate website o business website (eCommerce). Ang goal ng bawat kumpanya na mayroong website ay mai-market nila ang kanilang produkto at serbisyo sa pamamagitan ng Internet. At alam natin na kapag sinabi nating Internet, ito ay Broad and Wide ang sakop nito sa lahat ng field of interests.

So, bakit pa nga kailangan ng isang website ang SEO?

Una, kapag wala sa listahan ng search engine ang inyong website, walang sense. So, kagaya ng Google, nag-oofer sila ng AdWords at AdSense. Ang AdWords ay isang Online Advertisement na serbisyo ng Google na kung saan ang inyong website URL ay nai-didisplay nila depende sa content o Niche ng hinahanap mong website sa kanilang search engine o di naman kaya ay sa pinasukan mong website na may AdSense. Ang AdSense naman, na serbisyo rin ng Google, ay isang Online Advertisement na kung saan ang mga webmaster ay nilalagay ang mga advertisement ng AdWords sa kanilang website na kada click ng mga viewer sa advertisement na naka-post sa kanilang website ay may centavo silang kinikita.

Pangalawa, Sayang ang investment sa website kung hindi nga ito sikat sa mga Search Engines. Isipin ninyo kung gaano ka-epektibo ang Online Business kapag sikat ka sa Search Engines?


to be Continued...

1 comment:

  1. may online business ka rin ba? marami pa akong dapat matutunan online, yung mga techniques and strategies. hay.

    ReplyDelete