About Me

Subscribe now!Feeds RSS

Messages

Dec 7, 2009

Oct 26, 2009

First Semester, the aftermath of ondoy...pepeng and ramil

At last, I survived the First Semester of my Third year. So, review lang po ako about the previous semester. First, masasabi kong medyo bitin ako sa first semester. Kasi, in my own perception e may mga topics na hindi naidiscuss sa amin kasi sa dami ng walang pasok at mga suspension of classes. Sayang, pero wala naman ako o tayong magagawa sa mga suspension of classes at mga walang pasok dahil natatapat naman kasi sa mga holidays. Speaking of suspension of classes, napuna ko na itong semester na ito e madami kaming walang pasok una at una pa lang noong dahil sa H1N1 spreadout sa Campus, almost 4 days yun. Then, sumunod yung national mourning dahil kay Tita Cory. Anjan na rin yung mga sunod-sunod na walang pasok na monday dahil sa mga national holidays at ang huli naman ay dahil kay Ondoy na kung saan naman ay na-stranded ako ng halos 15 hours sa bus.

In-review, iisa-isahin ko yung mga ginawa ko sa mga kinukuha kong mga subject this First Semester:

General Physics w/ Electronics Lec/Lab
Saturday Class - 12:30 to 6:30 PM

First, ok yung naging prof namin dito. Madami din akong nakuhang wealth of information sa kanya. Elibs nga ako sa prof ko kasi Physics Prof siya at the same time prosecutor siya ng mga military cases sa Ombudsman. Sulit naman mga pinasok ko every Saturday of First Semester. Noong Prelim, bumagsak ako sa kanya pero bumawi naman ako sa kanya ng Midterm and Finals.

Basic Accounting
Tuesday and Thursday - 12:30 to 2:00 PM

Mahirap sa una, pero dahil passionate sa amin yung naging prof namin at sa mga further explanations nya sa amin, naiintindihan ko ang accounting kahit paano. Importante kong natutunan sa accounting is yung accounting balance, yung T-Account, yung Account Cycle at Adjusting Journal Entries. Napakaimportante ang Adjusting Journal Entries kasi doon mo talaga malalaman yung tunay na Expense at Income mo.

Statistical Method (Math)
MWF - 9:00 to 10:00 AM

Nakakahiya, pero yung prof ko dito sa Statistical e naging kaklase ko dati sa PE (Badminton). Matalino siya, akalain kong maging prof ko siya? Halos kasabay ko siya kasi 2005XXXXX ang student number namin e. Anyways, ang importanteng natutunan ko sa Statistical Method is yung Statistical Inferrence at Sampling Techniques dahil magagamit daw namin siya sa Thesis.

Operating System Lec / Lab
Tuesday and Thursday - 9:00 to 10:00 AM
Friday - 3:00 to 6:00 PM

Maigi na lang at na-survive ko tong subject na ito. Ito ang nakapagpatunay sa akin na medyo mahina ako pag dating sa algorithm. Pero sa bandang huli, naiintindihan ko naman siya. Lalo na yung MLQ at MLFQ, kapag yun yung algorithm na pinapacompute sa amin sa one-half yellow pad, na-realize ko na pwede pala pagsamahin ang FCFS, SJF, ROUND ROBIN, Pre-emptive at Non-Preemptive Priority. Oo, medyo naintindihan ko siya, pero noong pinagawan kami ng project at iaaply na namin siya sa kahit anong platform, hirap kami, kaya naging gabay ko ang internet at nag-download ako ng sample program and codes. Somehow, nakagawa kami dahil naging guide namin yung sample program and code. Salamat sa Google! Hehehe! Wala e, ginawan ko na lang ng paraan kasi gahol sa oras due to a week suspension.

Advance Database Management System Lec/Lab
Tuesday and Thursday - 10:00 to 11:00 AM
Wednesday - 11:30 - 2:30 PM

Dito sa subject na ito nagka-idea ako sa MySQL. Hindi kasi naituro sa amin yung MySQL ng prof ko dati sa Dynamic Webpage Development e. Isa sa importante na natutunan ko dito sa ADBMS is first, yung normalization. Sabi ng naging prof namin dito, sa industry daw, hanggang third normal form lang daw. Tapos diniscuss sa amin kung ano yung Datawarehousing at saan siya ginagamit at siyempre ang SQL using MS SQL Enterprise Edition. Isa sa importante din pala na kapag ke-create ka ng tables ay dapat unahin mo yung table na walang foreign key hanggang sa table na may foreign key kasi nagkaka-error kasi kung di sunod-sunod yung ike-create mong table. Tapos, ihuhuli mo naman yung INSERT command.

Object Oriented Programming Lec/Lab
Tuesday and Thursday - 3:00 - 4:00 PM
Wednesday - 3:00 to 6:00 PM

Sa totoo lang, i Hate Java! Pero wala akong magagawa, kasama siya sa curriculum namin e. Anyways, di naman sa Java nagfofocus yung subject na ito e. Akala ko dati, ang OOP ay para lang sa Java, mali ako. Dahil kahit saang programming and scripting languages pala ay applicable siya. Iniisip ko rin dati kung para saan ba ang Object Oriented Programming? Sinadya ko talaga na hindi ito itanong sa professor namin dahil baka naman ituro sa amin ng paunti-unti at hanggang sa matutunan namin ang concept ng OOP. Para lang siyang Data Structure and Algorithm dahil umiikot ang OOP sa functions, procedure, class and methods. Kung tama yung pagkaunawa ko sa OOP, iniiwas ng OOP ang redundancy sa codings. I mean, mas proper kasi kung gagamitan mo ng method (getters and setter) ang isang code kung possible na mangangailangan ito ng parehas na coding. Sana, kapag gumagawa na kami ng thesis ay mai-apply ko o namin ang OOP. Isa sa mga nakita kong scripting and programming language na gumagamit ng OOP ay ang Wordpress, dahil everytime na nagda-download ako ng themes para sa wordpress ay naka-class yung mga php codes.

To be continued

Jul 3, 2009

Parang hirap ako ngayon, pero mapagcha-chagaan

Good day to everyone. Naka-third week na ako sa school at parang hirap ako sa OS. Speaking of OS, tungkol siya sa CPU Scheduling / Algorithm. Maigi na lang at approachable prof ko doon pero sa totoo lang naguguluhan ako sa turo niya. Noong una, naiintindihan ko kasi wala pang idle time kapag sinasagutan yung Gantt Chart sa FCFS. Sabi ng prof ko, isa sa madaling scheduling ang FCFS. OO, naniniwala naman akong madali kapag hindi laktaw-laktaw ang arrival time niya pero kung laktaw at kapag hindi nag-match ang RQ at sa dulo ng gantt chart e mali na ang computation sa AveTT at AveWT. Pero sa tingin ko, kakayanin ko to kasi nagpa-photocopy ako ng module ng prof ko sa OS.

Jun 30, 2009

first sem inception

Finally, after a long time nakapag-post din ako. Nakilala ko na din yung ibang mga professors ko both major and minor subjects, pero papalapit na ang Prelim Exams at kokonti pa lang nadidiscuss sa amin.

I think, I'm lucky with all of my subjects for this semester lalo na sa mga major subjects ko. Even in Physics na dapat e krinedit na lang sana ng IT department yung dati kong Physics sa ECE ko dati, sayang.

Bago yung professor ko sa Operating System. Sabi niya sa amin noong nagla-laboratory kami e swerte daw kami sa kanya kasi sa lahat ng professors daw na nagha-handle ng OS Lec and Lab e maituturo niya sa amin ng maayos yung binigay niya sa amin about CPU Algorithms.


Jun 20, 2009

Suspension of Class?

Nag-start na ang klase namin noong June 15. Medyo ok at excited ako sa pasukan. Na-meet ko na ang mga professor ko pati na yung mga kaklase ko. Yung iba kong mga kaklase, hindi nabago. Pero marami rin ang panay bago.

Bininyagan ko na din yung bago kong Bag. Medyo may kalakihan pero sulit naman kasi marami akong notebook na binili para sa Tatlong Major Subjects at sa Physics.

Ang pasok ko ay lunes hanggang sabado. Mas worst ang lunes ko kasi isang subject lang ako from 9-10 A.M lang ako. Gayundin ang Biyernes ko. From 9-10 may klase ako, then kasunod nito ang laboratory ko sa Operating System from 3-6 P.M.